GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng tulay para sa tatlong barangay sa Lanao Del Norte | GMANetwork.com - Foundation - Articles

2,000 residente mula sa tatlong barangay ang makikinabang sa tulay na ipinatayo sa Lanao del Norte ng GMA Kapuso Foundation at mga partners nito.  

GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng tulay para sa tatlong barangay sa Lanao Del Norte

By MARAH RUIZ

Nakapagpatayo ng pangatlong tulay para sa mga taga-Mindanao ang GMA Kapuso Foundation sa tulong ng mga partners at donors nito.

Sinumulan noon July ang construction ng tulay sa Salvador, Lanao del Norte. Noong October 9 ito sinimulang magamit ng mga residente doon.

"Nakita namin na 'yung mga bata talagang hirap na hirap. Bababa sila dito sa very steep embankment, 'yung dulo ng kalsada, maglalakad sila sa dry river bed. Ang problema sa panahon ng tag-ulan, hindi sila makatawid," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.

Dati namang may tulay sa lugar pero nasira itonang manalanta ang bagyong Vinta noong 2017.

May ilang bata na rin ang muntik malunod dahil sa biglang pagtaas ng ilog dala ng ulan kapag tumatawid sila dito para makarating sa paaralan.

 



Para matugunan ito, nagpatayo ang GMA Kapsuo Foundation ng tulay na may habang 40 meters. Idinisenyo din ito para hindi umuga kahit malakas at ulan.

Bukod sa mga tao, maari din tumawid dito ang mga payong payong o tricycle.

2,000 residente mula sa tatlong barangay ang makikinabang sa tulay.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang AFP Western Command, Philippine Army 1st Infantry Division (54th Engr. Bde, 547th Engr Bn, 2MechBde, 5MechBn) at lokal na pamahalaan ng Salvador, Lanao del Norte.

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa suporta ng Rotary Club of Araneta at Lola Remedios All-Natural Supplement Syrup.

Samantala, sa mga nais pang makiisa sa iba't ibang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bumisita langs a official website nito.