GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mga magsasaka sa Benguet | GMANetwork.com - Foundation - Articles

600 pamilya ng mga magsasaka sa Benguet ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mga magsasaka sa Benguet

By MARAH RUIZ

Anim na buwan ding nahinto sa pagtatanim ang karamihan ng mga magsasaka sa Benguet dahil sa pagkalugi nang tumama ang pandemya.

 

 


Nitong Oktubre pa lang nagsimulang mag-ani muli ng mga gulay tulad ng lettuce at beans ang ilan sa kanila.

"'Yung lockdown, walang sasakyan. Walang bumili. Nasayang 'yung tinanim namin," pahayag ni Carmen Abat, 62 years old na vegetable farmer.

Dahil dito, minarapat ng GMA Kapuso Foundation na mga magsasakang nawawalan ng kita naman ang hatiran ng tulong.

"Kaya talagang nag-reach out tayo sa kanila, mga farmers ng vegetables at fruits mula dito sa Benguet at mga nearby municipalities, dahil sila ay lubos na naapektuhan ng COVID-19," paliwanag ni Rikki Escudero-Catibog EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.

Sa tulong ng Northern Luzon Command of AFP, Philippine Army 5ID (503rd BDE, 54th BN), Benguet Agri-Pinoy Trading Center at Lola Remedios All-Natural Supplement Syrup, nakapagpamahagi ang GMA Kapuso Foundation ng fully-loaded Kapuso grocery packs at washable face masks sa 600 pamilya ng mga magsasaka sa Benguet.

Samantala, sa mga nais pang makiisa sa iba't ibang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.