GMA Kapuso Foundation, nagibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Quinta sa Albay | GMANetwork.com - Foundation - Articles

600 pamilya na naapektuhan ng bagyong Quinta sa Guinobatan, Albay ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nagibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Quinta sa Albay

By MARAH RUIZ

Hindi pa man nakakabangon ang Guinobatan, Albay dahil sa pandemya, isa na namang pagsubok ang kanilang haharapin.

Marami ang nawalan ng kabuhaya sa rehiyon matapos manalanta doon ang bagyong Quinta.

Isa na rito si Maribel Oliquino na nasira ang taniman ng saging. Bukod dito, nasira pa ang isang bahagi ng kanilang bahay dahil sa bagyo.

 

Maribel Oliquino

 


"Mahirap po kasi wala pong trbaho," aniya.

Para matulungan ang mga katulad ni Maribel, tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Guinobatan, Albay para maghatid ng tulong.

Katuwang ang Philippine Army 9ID (49IB), nagpamahagi ang GMA Kapuso Foundation ng food packs na may kasamang tubig sa 600 pamilya sa tatlong barangay sa Guinobatan, Albay.

Sa mga nais makiisa sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.