GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa Barlig, Mountain Province | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa Barlig, Mountain Province para mapanatiling COVID-free ang lugar.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa Barlig, Mountain Province

By MARAH RUIZ

Wala pa rin kaso ng COVID-19 sa Barlig, Mountain Province simula nang nagkaroon ng lockdown.

Simple lang daw ang naging sikreto ng bayan para mapanatili nilang COVID-free ang kanilang lugar.

Naging mahigpit ang bayan at hindi nagpapapasok ng turista rito.

Sumusunod din daw sila sa health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsususot ng mask at pag-observe ng physical distancing.

Dahil hindi maaaring pumasok sa Barlig, sa Baguio City na lang ang ginawang pag-turnover ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation para sa lugar.

GMA Kapuso Foundation donation


Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng 500 na 60 ml bote ng vitamin C syrup, 100 kahon ng vitamin C tablets, 2 kahon ng assorted medicines, 245 sets ng swab kits, 175 piraso ng PPE, 200 piraso ng alcohol, 100 piraso face shield, at 1,000 pairs ng gloves para sa Barlig.

Katuwang sa pamamahagi ang Northern Luzon Command ng AFP, Philippine Army 5ID (503rd Bde, 54th Bn), Deparment of Health - Baguio, GMA Training Regional Engineering Deparment, at Lola Remedios All-Natural Supplement Syrup.

Sa kabuuan, 140 pampublikong ospital sa Luzon, Visayas at Mindanao na ang nabigyan ng GMA Kapuso Foundation ng protective supplies.

Maraming salamat po sa mga patuloy na sumusporta sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation.

Samantala, sa mga nais makiisa sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.