2,000 indibidwal na nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 2,000 indibidwal na nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan.

2,000 indibidwal na nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Bukod sa pinsalang tinamo ng mga bahay sa Cagayan matapos tumama dito ang bagyong Ulysses, lubos na apektado din ang kabuhayan ng mga residente dito.

Ang ilan, sinubukang isalba ang mga alagang hayop na pinagkakakitaan pero hindi lahat nito ang nasagip.

 


"'Yung mga hindi na namin kayang abutin, hindi na namin kinuha kasi talagang malulunod na po kami. Pero 'yung asawa ko lumangoy pa kaso hindi na pwede. 1/4 po 'yung nawala po," kuwento ni Marciana Casino na may mga alagang baboy at pabo.

Para matulungan ang mga tulad niya, tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Cagayan para sa unang bugso ng Operation Bayanihan sa lalawigan.

Nakapag-abot ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods at cloth face masks sa 2,000 indibidwal sa apat na sitio sa Cagayan.

Sa November 17, nakatakda na rin ang pamimigay ng GMA Kapuso Foundation ng relief goods sa Enrile at Solana sa Cagayan.

Katuwang sa Operation Bayanihan ang AFP Northern Luzon Command, 5th Infantry Division ng Philippine Army (501IB, 77IB) at CDO Foodsphere Inc.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at Paymaya.