GMA Kapuso Foundation, patuloy na naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Sa mga bayan naman ng Enrile at Solana naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.

GMA Kapuso Foundation, patuloy na naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan

By MARAH RUIZ

Bumubuti na ang panahon sa Enrile, Cagayan na isa sa mga bayang nalubog sa baha noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang ilang mga residente dito kahit makapal pa rin ang putik sa kanilang mga lugar.

Bukod sa mga gamit na hindi naisalba, nalubog din ang supply ng pagkain at bigas ng ilang residente.

Para matulungan sila, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng grocery packs sa bayan ng Enrile at Solana sa Cagayan.

 


Nagbigay din ang GMA Kapuso Foundation ng cloth masks na proteksiyon laban sa COVID-19.

Sa kabuuan, 1,800 indibidwal ang nagbigyan ng tulong.

Katuwang sa pamamahagi ang AFP Northern Luzon Command, 5th Infantry Division ng Philippine Army (502IB, 77IB, 513TH ECB), at CDO Foodsphere Inc.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding mag-deposit sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at Paymaya.