GMA Kapuso Foundation, nagdala ng pagkain at face masks para sa naapektuhan ng bagyo sa Isabela | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Tumungo ng Ilagan, Isabela ang GMA Kapuso Foundation para mamahagi ng pagkain at face masks para sa nasalanta ng bagyo.

GMA Kapuso Foundation, nagdala ng pagkain at face masks para sa naapektuhan ng bagyo sa Isabela

By MARAH RUIZ

1,600 indibidwal ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa pitong purok ng barangay Bangag sa Ilagan, Isabela.

Bagamat nakabalik na sa kanilang mga tahanan, sinisikap pa rin nilang isalba ang mga gamit at tahanan na nalubog sa matinding baha dahil na rin sa magkakasunod na bagyo.

Marami sa kanila ang nakatira sa tabi ng ilog.

 

 


"Wala kaming malilipatang lupa kaya sana po maaga itong magawa," pahayag ni Fresdeminda Carreon, isang residente. 

Para matulungan sila, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng pagkain at cloth face masks.

Katuwang pa rin sa operasyon ang AFP Northern Luzon Command at 5th Infantry Division ng Philippine Army (502IB, 95IB).

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposite sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at Paymaya.