GMA Kapuso Foundation, nakapaghatid ng tulong sa 17,000 taong nasalanta ng bagyo sa Catanduanes | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Umabot na ng 17,000 indibidwal na naapektuhan ng bagyo ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa lalawigan ng Catanduanes.

GMA Kapuso Foundation, nakapaghatid ng tulong sa 17,000 taong nasalanta ng bagyo sa Catanduanes

By MARAH RUIZ

Bumalik ang GMA Kapuso Foundation sa Catanduanes para sa ikalawang bugso ng Operation Bayanihan para sa mga nasalanta ng bagyo doon.

Katuwang ang Philippine Coast Guard Surface Support Group District Bicol, maayos na ang panahon sa pagbalik sa lalawigan pero bakas pa rin ang pinsalang dulot ng bagyo.

Para matulungan ang mga residente dito sa kanilang pagbangon, naghatid ng tone-toneladang relief packs mula sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industries Inc., ang GMA Kapuso Foundation.

 

 

Donasyon ng GMA Kapuso Foundation

Bukod dito, nakapagpamahagi din ng bottled water at mga trapal na maaaring gamiting pansamanatlanang bubong at dingding ng mga napinsalang bahay.

Katuwang sa operasyon ang Philippine Army 9ID (83rd BN, Alpha Company) at PNP PRO 5 RMFBn.

Lubos naman ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa Absolute Pure Distilled Drinking water at Premium Plastic Group (PG Flex).

Sa kabuuan, 17,000 indibidwal na ang nabigyan ng tulong sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at Paymaya.