GMA Kapuso Foundation, nagbigay-tulong sa nasalanta ng bagyong Ulysses sa Ifugao | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nasa 2,000 indibidwal sa 16 na barangay na nasalanta ng bagyong Ulysses sa Ifugao ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay-tulong sa nasalanta ng bagyong Ulysses sa Ifugao

By MARAH RUIZ

Maraming napinsalang bahay dahil sa landslides na dulot ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Ifugao.

 

GMA Kapuso Foundation in Ifugao

 

Sa ilalim ng Operation Bayanihan, tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Ifugao para magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo dito.

Sa bayan ng Kiangan, nakilala ng GMA Kapuso Foundation is Gritchen Tagao na apat na taon pa lang nakatira sa kanilang bahay nang mawasak ito dahil sa hagupit ng bayong Ulysses.

"After namin ilikas po lahat, kasi that time is bumaba na po ng konti yung bahay, nag-go signal sila na umalis na kayong lahat diyan kasi mahuhulog na talaga. Then bandang 3 o' clock po, doon po nagsimula na mag-start na nahulog 'yung bahay. Hindi ko na po alam kung anong [gagawin] ko doon kasi nakapasakit dahil kung kailan ka nagsimula, doon na mawawala ang lahat," kuwento niya.

Para matulungan si Gritchen at iba pang mga residenteng katulad niya, nagpamahagi ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods at tubig sa 2,000 indibidwal sa 16 na barangay sa Ifugao.

 

Katuwang sa operasyon ang AFP Northern Luzon Command at Philippine Army (54th IB).

Lubos naman ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. at sa lahat ng mga donors sa kanilang walang-sawang tulong.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at Paymaya.