1,800 indibidwal na naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Ifugao, nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation
November 26 2020
By MARAH RUIZ
Pagkasira ng bahay at taniman ang dalang pinasala ng Bayong Ulysses sa mga residente ng Tinoc, Ifugao.
Dahil sa landslides, ilang bahay ang natabunan ng lupa at bato pati na rin ang mga taniman dito.
Kahit maputik ang daan sa tabi ng bangin, makapal na hamog, umuulan, at kinailangan pang itulak ang sasakyang dala, nakarating pa rin ang GMA Kapuso Foundation sa dalawang munisipalidad ng Ifugao para maghatid ng tulong.
Nagpamahagi ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods at inuming tubig sa 1,800 inididwal sa Tinoc at Asipulo, Ifugao.
"GMA Kapuso Foundation po ang unang pumunta dito na NGO (non-government organization) sa aming munisipyo at taos puso po kaming nagpapasalamat sa tulong na [hinatid] niyo po dito. Kay Mel Tiangco po, salamat. Maraming salamat po," pahayag ni Randy Humakey, miyembro ng MDRRMC (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council)-Tinoc, Ifugao.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command, Philippine Army (54th Infantry Battalion), at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. sa operasyon.
Nakapagbigay na rin ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa bayan ng Kiangan, Ifugao.
Sa mga nais mag-abot ng tulong, maaaring ibigay ito sa GMA Kapuso Foundation. Maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.
Comments
comments powered by Disqus