GMA Kapuso Foundation, naghatid ng relief packs sa mahigit 1,600 residente sa San Miguel, Catanduanes | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 1,600 residenteng naapektuhan ng mga bagyong Rolly at Ulysses ang nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa San Miguel, Cantanduanes.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng relief packs sa mahigit 1,600 residente sa San Miguel, Catanduanes

By MARAH RUIZ

Kanya-kanyang diskarte para kumita ang ilang residente sa San Miguel, Catanduanes ngayong naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Rolly at Ulysses ang kanilang mga kabuhayan.

Isa na rito si Gilmark Sonio Tindugan na dating nag-aabaka at ngayong ay nagtatrabaho bilang isang bangkero.

 

GMA Kapuso Foundation in San Miguel Catanduanes

 

Doble kayod siya para may ipangtustos sa pamilya at para rin maipagawa ang nasira nilang bahay.

"'Yun lang yung kinikuhan namin ng hanapbuhay. 'Pag walang abaka, magugutom kami," pahayag ni Gilmark.

 

Para matulungan si Gilmark at iba pang katulad niya, nagdala ang GMA Kapuso Foundation ng relief packs, inuming tubig, face masks, at hygiene kits para sa mahigit 1,600 residente ng San Miguel, Catanduanes.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang Philippine Army 9ID (83rd BN, Alpha Company) at San Miguel Municipal Police Station sa pamamahagi.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at Paymaya.