GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng maagang pamasko sa mga bata sa Catanduanes | GMANetwork.com - Foundation - Articles

1,000 estudyante sa Catanduanes ang nagbigyan ng maagang pamasko ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng maagang pamasko sa mga bata sa Catanduanes

By MARAH RUIZ

Sinimulan na muli ang taunang Give-A-Gift: Alay sa Batang Pinoy Christmas Project ng GMA Kapuso Foundation.

Layunin ng proyekto na bigyan ng regalo ang 65,000 kabataan mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Una nang hinatiran GMA Kapuso Foundation ng mga regalo ang mga estudyante sa Catanduanes na naapektuhan ng mga nagdaang bayong Rolly at Ulysses.

Isa kasi ang mga paaralang Sto. Domingo Elementary School sa Virac na lubos na nasalanta ng bagyo.

Natangay ang mga bubong, nasira pa ang mga upuan at lamesa, at nabasa ang mga libro sa paaralan.

"I think ang Sto. Domingo Elementary School is the most ruined and destroyed elementary school in the entire Virac. Sobrang kawawa 'yung school namin so we need help," pahayag ni Analyn Carpio, school prinicpal ng Sto. Domingo Elementary School.
 

 

GMA Kapuso Foundation in Catanduanes

 

Para matulungan ang mga estudyante dito, nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng maagang pamasko na pagkain, hygeine kits, at mga laruan.

May handog ding relief good at inumin tubig para sa kanilang mga pamilya.

Sa kabuuan, 1,000 mag-aaral mula sa kinder hanggang grade 6 a pitong pampublikong paaralan sa Virac, Bagamanoc at San Miguel sa Catanduanes.

Katuwang sa pamamahagi ang Philippine Army 9ID (83rd BN, Alpha Company).

Lubos namang nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Absolute Pure Distilled Drinking Water, Department of Health, at Diabetasol.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier.

Maari din mag-donate sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers sa Shoppee.