4,000 indibidwal sa Isabela, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation
December 10 2020
By MARAH RUIZ
Kahit masama ang panahon, bumalik ang GMA Kapuso Foundation sa lalawigan ng Isabela para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Ang unang pinuntahan ng grupo ay ang munisipalidad ng Benito Soliven kung saan kinailangang tumawid ng ilog para makarating sa barangay Maluno Sur na isang linggong na-isolate dahil sa nagdaang bagyo.
Mahirap puntahan ang nasabing barangay dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog malapit dito.
Nagdala ang GMA Kapuso Foundation dito ng relief packs, inuming tubig, at pang ulam.
Sa kabuuan, 4,000 indibidwal ang nahatiran ng tulong sa barangay Maluno Sur sa Benito Soliven pati sa San Mariano, Isabela.
Bukod dito, nagbigay din ng mga gamot ang GMA Kapuso Foundation sa municipal health offices ng mga nasabing lugar.
Katuwang sa operasyon ang Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command, Philippine Army 5th Infantry Division (95th Iinfantry Battalion) at Pampanga's Best.
Sa mga nais magbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at Paymaya.
Comments
comments powered by Disqus