GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng ika-apat na school building sa Marawi City | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Ang pinaayos na Datu Saber Elementary School ang ika-apat na school building ng GMA Kapuso Foundation sa Marawi City.

GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng ika-apat na school building sa Marawi City

By MARAH RUIZ

Pinaganda at pinatibay ng GMA Kapuso Foundation ang Datu Saber Elementary School sa Marawi City na nagsisilbi sa mahigit 300 na mag-aaral.

 

 



Ito ang ika-apat na Kapuso school sa Marawi City. Sa tulong ng Embassy of Japan in the Philippines at Japan-Bangsamoro Initiatives for Reconstruction and Development (J-BIRD), naipagawa ang sira-sirang paaralan at napalitan ng isang gusaling may tatlong palapag.

Ngayong wala pang face-to-face classes, nagagamit ito ng mga guro sa pagggawa ng modules para sa mga mag-aaral.

"Ang mga mag-aaral namin, atat na atat, inspired na inspired. Kailan kami makakapag-klase ng face-to-face?" pahayag ni Mokiin Hadjiisah, principal ng Datu Saber Elementary School.

Naging katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa operasyon ang Western Mindanao Command ng AFP, 54th Engineer Brigade ng Philippine, 55th Engineer Brigade ng Philippine Army, at 103rd Infantry 'Haribon' Brigade, 1st ID ng Philippine Army.

Pormal namang nai-turnover ang building sa paaralan noong nakaraang Nobyembre.

"Very very proud tayo dito sa ating Datu Saber Elementary School. On behalf of GMA Kapuso Foundation, si Tita Mel [Tiangco], we want to congratulate, all the teachers and the students and the parents," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.

Nagpapasalamat din ang Foundation sa tulong ng DENR, MENRE-BARMM at Department of Education.

Kahit maliit ang espasyo, nagawa pa rin kumpleto ang pasilidad sa tulong ng Emergency Architects ng United Architects of the Philippines.

Mayroon itong pitong classrooms, faculty room, canteen, upcycled arm chairs at tables dahil sa matagumpay na proekto kasama ang The Coffee Bean and Tea Leaf.

Bukod dito, may vertical vegetable garden, stage at library pa na may kumpletong set ng textbooks at storybooks na regalo sa tulong ng partners.

May handwashing facility at palikuran, katuwang ang Manila Water Foundation.

Muling nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Rayomar Outreach Foundation, Envirotech, Adarna Group Foundation ng Adarna House, Provincial Government of Lanao del Sur, Municipal Government of Marawi City, at Task Force Bangon Marawi sa tulong nila sa iba't-ibang yugto ng proyekto.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier.