Mahigit 1,200 mag-aaral, nahatiran ng tulong sa pagbabalik ng GMA Kapuso Foundation sa Tuguegarao | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbalik ang GMA Kapuso Foundation sa Tuguegarao para sa Give-A-Gift project at nakapaghatid ng tulong sa mahigit 1,200 estudyante.

Mahigit 1,200 mag-aaral, nahatiran ng tulong sa pagbabalik ng GMA Kapuso Foundation sa Tuguegarao

By MARAH RUIZ

Muling tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Tuguegarao para sa pagpapatuloy ng Give-A-Gift project.

Kasama sa mga natulungan dito ang anak ng isang panday.

Pitong taong nang nagpapanday si Roldan Batang. Pero dahil sa pandemya at sa pagtama ng bagyong Ulysses, lubos na naapektuhan ang kanyang kabuhayan.

"'Yung kinikita ko, talagang pang [araw-araw] lang, kasi konti lang," pahayag ni Roldan.

Bahagi si Roldan ng pamilyang may 12 na magkakapatid. Apat lang sa kanyang mga kapatid ang nakatapos ng pag-aaral. Dahil dito, pursigido si Roldan na mabigyan ng magandang kinabukasan ang sarili niyang anak.

"Makapagtapos ng pag-aaral, 'yun lang ang ipamamana namin sa kanya," aniya.

Kabilang ang anak ni Roldan sa mahigit 1,200 mag-aaral na natulungan ng Give-A-Gift project ng GMA Kapuso Foundation sa Tuguegarao.

 

GMA Kapuso Foundation in Tuguegarao


Ang bawat Give-A-Gift bag ay may lamang pancit, de lata, mga laruan, snacks at hygiene kit na husto para sa pamilyang may apat na miyembro.

Katuwang sa operasyon ang NOLCOM, 5th Infantry Division, 501st and 502nd Infantry Battalion, at 95th Infantry Battalion (SALAKNIB) ng Philippine Army.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier.