GMA Kapuso Foundation, muling ipinaayos ang isang paaralan sa Sorsogon | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling ipinaayos ng GMA Kapuso Foundation ang Prieto Diaz Central School sa Sorsogon.

GMA Kapuso Foundation, muling ipinaayos ang isang paaralan sa Sorsogon

By MARAH RUIZ

Sa pagpapatuloy ng Kapuso School Rehabilitation, binalikan ng GMA Kapuso Foundation ang Prieto Diaz Central School sa Sorsogon.


Una na itong ipinaayos ng GMA Kapuso Foundation noong 2007 matapos itong mapinsala ng bagyong Reming noong 2006.

Ngayong taon, mas pinaganda at pinatibay ito ng GMA Kapuso Foundation katuwang ang Philippine Army.

Noong nakaraang linggo, opisyal na itong nai-turnover.



Kaya na nito ngayon ang 280 kph na lakas ng hangin at hanggang intensiy eight na pagyanig ng lindol.

 

 

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng AFP Southern Luzon Command, 9th Infantry Divison ng Philippine Army, 51st Engineer BDE, 565th Army Engineer Construction BN, at Philippine Airforce sa proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong, bukas ang GMA Kapuso Foundation sa inyong mga donasyon. Maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier.