GMA Kapuso Foundation, naghatid ng regalo sa mahigit 6,000 mag-aaral sa Bicol | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 6,000 estudyante ang binigyan ng regalo ng GMA Kapuso Foundation sa Catanduanes at Masbate.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng regalo sa mahigit 6,000 mag-aaral sa Bicol

By MARAH RUIZ

Tuloy tuloy ang pagbibigay ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Bicol, kabilang ang mga probinsiya ng Catanduanes at Masbate.

Mahigit 6,000 estudyante ang naharitan ng Give-A-Gift bags sa rehiyon.

Kabilang dito ang mga anak ng 50 taong gulang na si Delma Tablizo.

 

 

GMA Kapuso Foundation Give A Gift

 


Na-stroke ang mister ni Delma at nasira pa ang kanilang tahanan matapos tumama ang bagyong Rolly noong 2020.

Tiniis at matapang na hinarap ni Delma ang mga pagsubok na ito.

"Hindi namin inaasahan na ganoon ang mangyayari sa kanya kaya talagang hirap na hirap ako kung saan ako kukuha ng pera. Nangutang din ako," pahayag niya.

Nagbebenta ngayon ng kakanin ni Delma para itaguyod ang 11 niyang anak

"Minsan po P350, depende po sa ginawa ko. Basta mayroon kayong bigas, kahit talbos ng kamote ilalaga namin para mapakain ko ang mga anak ko," aniya.

Muli naman niyang naitayo ang nasirang bahay mula sa mga natanggap nilang ayuda.

Napinsala din ang Palta Elementary School kung saan nag-aaral ang tatlong anak ni Delia.

Isa ito sa mga paaralan sa rehiyon na napili para Kapuso school rehabilitation.

Bukod dito, naghatid din ng munting regalo ang GMA Kapuso Foundation para sa mahigit 3,000 mag-aaral nito.

Sa mga magulang muna iniabot ang Give-A-Gift bags na may lamang pagkain, hygiene kit at mga laruan.

Naghatid din ang GMA Kapuso Foundation ng Give-A-Gift bags para sa mahigit 3,000 pang estudyante sa 13 pang mga paaralan sa Masbate.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee at Zalora.