GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng libreng antigen swab tests para sa mga frontliners | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kasama pati mga non-medical health workers sa libreng antigen swab testing para sa mga pampublikong ospital ang GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng libreng antigen swab tests para sa mga frontliners

By MARAH RUIZ

Nagsagawa ng libreng antigen swab testing ang GMA Kapuso Foundation para sa mga frontliners ng 15 pampublikong ospital.

Katuwang sa proyektong ito ang World Surgical Foundation Philippines at SunLife Foundation.

 

GMA Kapuso Foundation swab testing

 


"Medyo selected ang personel that they tested in the hospital. What we want to cater to was other personel in the hopital na hindi masyadong nate-test," pahayag ni Dr. Marcus Lester Suntay, President ng World Surgical Foundation Philippines.

Bukod kasi sa mga medical frontliners, kasama din sa testing ang mga non-medical health workers tulad ng security guards, administrative staff at utitlity personel.

"It's to tell them na we're taking care of you in this time that you're serving people, and of course, they're putting their lives at risk," dagdag niya.

Sa ngayon, 1,300 mga frontliners na ang nabigyan ng libreng antigen testing.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee at Zalora.