GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa 10 pampublikong ospital sa Metro Manila | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng mga protective supplies para sa medical frontliners sa 10 pampublikong ospital sa Metro Manila.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa 10 pampublikong ospital sa Metro Manila

By MARAH RUIZ

Dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, mas nangangailangan ng suporta ang ating mga medical frontliners.

 


"'Yung mga pasyente namin doon sa COVID building namin, umaabot 'yan ng hindi bababa ng 220 sa isang araw. Pinagsisikapan namin na madagdagan sana ito ng mga kama. May mga araw na minsan nagkukulang kasi biglang dagsa 'yung mga pasyente," pahayag ni Dr. Alfonso Nuñez, MD, FPCS, na Medical Center Chief sa East Avenue Medical Center.

Bilang tugon dito, muling naghatid ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation para sa 10 pampublikong ospital sa Metro Manila.

Kabilang dito ang East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippine, Quezon City General Hospital, Navotas City Hospital, Ospital ng Malabon, Mandaluyong Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, Tondo Medical Center, Sta. Ana Hospital, at Pasay City General Hospital.

Ang bawat ospital ay nabigyan ng 2,000 piraso ng surgical masks, 200 piraso ng hazmat PPE suits, 3,000 pares ng rubber gloves, 200 piraso ng face shields, at 100 litro ng 70% isopropyl alcohol.

Lubos ng nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa walang-sawang pakikiisa ng Joint Task Force-NCR, Creative Bakers Company Inc., mga partners ng GMA Kapuso Foundation at mga indibidwal na nag-donate online sa pagpapatuloy ng proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee at Zalora.