PAALALA: Facebook scam na gumagamit ng pangalan ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Huwag magpaloko sa mga scam na kumakalat sa Facebook na gumagamit ng pangalan ng GMA Kapuso Foundation.

PAALALA: Facebook scam na gumagamit ng pangalan ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Isang paalala ang nais iparating ng GMA Kapuso Foundation ngayong may mga kumakalat sa Facebook na scam at maling impormasyon na ginagamit ang pangalan ng foundation.

Hindi totoo na mamimigay ng ayudang pinansiyal ang GMA Kapuso Foundation. Hindi totoo na may P20,000 o P50,000 na cash na ibigay ang GMA Kapuso Foundation at isang pawnshop at money remittance center.

May ilang bersiyon din na ginagamit ang pangalan ni Wowowin host Willie Revillame, hindi rin totoo ang mga ito.

Para sa impormasyon sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bumisita sa website na GMANetwork.com/KapusoFoundation.

Maari ding i-follow ang official Facebook account ng GMA Kapuso Foundation. Siguraduhing ito ay may blue check mark para masigurong ito ang tamang account.