GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng tulong sa Kalinga at Mt. Province | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nasa 6,500 indibidwal ang naabutan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Kalinga at Mt. Province.

GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng tulong sa Kalinga at Mt. Province

By MARAH RUIZ

Pagsubok para sa Kalinga at Mountain Province ang pagpasok ng UK variant ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

"In cases here in Mountain Province, mas marami na ngayon ang cases compared last year and 'yung previous month. Hanggang ngayon, hindi pa nila na-trace kung saan talaga nanggaling 'yung UK variant," pahayag ni Dr. Carolyn Yawan, Provincial Health Officer ng Mountain Province.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng British Medical Journal, ang UK variant o B117 ay may 71% na mas mataas na rate of transmission kumpara sa ibang variant ng virus.

"The respective LGUs have a triaging for all those arrivals. At kung may mga positive, then they will automatically be put into isolation," lahad ni Rosario Alunday, Provincial Health Officer ng Kalinga.

Kaya naman tumungo ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa Kalinga at Mountain Province.

Nasa 6,500 indibidwal ang nabigyan ng na grocery packs at mga laruan para sa mga bata sa dalawang probinsiya.

Bukod dito, naghandog din ng mga gamot at antibody rapid tests kits sa mga health offices ang GMA Kapuso Foundation.

 

 

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang Philippine army 5 ID, 503 BDE, 51 EBDE, 54 IBN, at 50 IBN, Provincial Highway Patrol Team-Kalinga, 1503 Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion 15, Police Regional Office Cordillera, Tabuk City and Sabangan Police Station, DepEd Kalinga and Mountain Province, at Creative Products Corporation sa proyekto.

 

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maaari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.