GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Sampung pampublikong ospital sa Metro Manila ang hinatiran ng medical supplies ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila

By MARAH RUIZ

Nakiisa ang GMA Kapuso Foundation sa pagbibigay pugay at suporta sa mga medical frontliners noong Araw ng Kagitangan, April 9.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), mahigit 16,000 health workers ang nagpositibo sa COVID-19, habang 83 sa mga ito ang nasawi.

Isa sa mga tinamaan ng sakit ay si Ruby Suque, isang emergency room supervisor sa Caloocan City Medical Center South.

Siya ang sumusuri sa mga ina-admit na pasyente sa opital. Pero noong May 2020, nawalan siya ng ng panlasa at pang-amoy at nahirapan huminga. Tinamaan na pala siya ng COVID-19.

 

GMA Kapuso Foundation


"Medyo na-depress po ako kasi panahon po 'yun ng pandemya. Gusto po kasi sana magkakasama po kami ng mga kasama ko sa emergecny room na lumalaban sa COVID," pahayag ni Ruby.

Mahigit dalawalng buwan bago siya nakabalik sa trabaho pero noong July 2020, muli siyang nagpositibo sa virus.

"Nag-question din po ako na bakit meron na naman ako? Nag-ingat naman po ako. Kakapasok ko pa lang po, kumbaga ready na naman po akong lumaban," paggunita niya.

Buti na lang at muli niya itong nalampasan at bumalik sa pagseresbisyo sa ospital.

"'Yung dedikasyon po namin sa trabaho, hindi po siya nawawala. Kaya kahit po 'yung buhay namain, tinataya namain para lang po makapag serbisyo ng tama sa kapwa," ani Ruby.

Para ma-protektahan ang iba pang medical frontliners, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng libo-libong protective supplies para sa sampung pambuklikong ospital.

Kabilang dito ang Taguig-Pateros District Hospital, Air Force General Hospital, Ospital ng Parañaque District II, Ospital ng Muntinlupa, Research Insitute for Tropical Medicine, PNP General Hospital, Rosario-Maclang Bautista Hospital, Caloocan City Medical Center South, Veterans Memorial Medical Center, at Valenzuela City Medical Center.

Nakatanggap ang bawat ospital ng 2,000 piraso ng PPE hazmat suits, 2,000 piraso ng face shields, 2,000 piraso ng 500 ml alcohol bottles, 3,000 pares ng rubber gloves, at 20,000 piraso ng face masks.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Joint Task Force-NCR at sa lahat ng nagpa-abot ng tulong sa pakikiisa sa proyektong ito.

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.