GMA Kapuso Foundation, naghatid muli ng protective supplies sa mga gov't hospitals | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling naghatid ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa sampung pampublikong ospital sa Metro Manila.

GMA Kapuso Foundation, naghatid muli ng protective supplies sa mga gov't hospitals

By MARAH RUIZ

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), umabot ng nga 68,058 ang kaso ng COVID-19 sa mga batang nasa pagitan ng 0 hanggang 17 taong gulang.

7.5% ito ng kaubuuang cases ng COVID-19 na umabot na sa 904,285. At as of April 15, 2021, 2,621 sa mga kasong ito ay newborn babies o kaya naman ay mga sanggol ilang buwan pa lamang.

 

GMA Kapuso Foundation

 


"Nakakalungkot, lalo 'yung mga maliliit na bata na wala pang isang taon. Medyo puno din kasi 'yung ICU occupancy rate natin. Almost everyday, we're on full bed capacity," pahayag ni Dr. Mylene Eleuterio, pediatric critical care specialist sa National Children's Hospital.

Para matulungan ang mga medical workers sa pagpapatuloy nilang pag-aalaga sa mga batang pasyente, muling naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng mga protective supplies sa sampung pampublikong ospital sa Metro Manila.

Kabilang dito ang Philippine Heart Center, National Kidney Transplant Institute, Philippine Orthopedic Center, National Children's Hospital, Ospital ng Sampaloc, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Ospital ng Maynila Medical Center, Gat Andres Memorial Medical Center, at Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Hinatiran ng GMA Kapuso Foundation ang bawat ospital ng 2,000 PPE hazmat suits, 2,000 face shields, 2,000 bote ng alcohol, 15,000 pares ng rubber gloves, 15,000 face masks, at 2,000 cheesecake cupcakes.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Joint Task Force-NCR, Big E Food Corporation-Lemon Square, at King Sisig sa proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.


Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.