GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 130 blood bags sa bloodletting project | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Idinaos ng GMA Kapuso Foundation ang Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Muntinlupa kamakailan.

GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 130 blood bags sa bloodletting project

By MARAH RUIZ

Apat na raan na buhay ang maaaring masagip ng 130 blood bags na nalikom ng GMA Kapuso Foundation sa isinagawang Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Muntinlupa kamakailan.

 

 

 

Isa sa matutulungan ang 12 taong gulang na si Justin Sanchez, may leukemia.

Taong 2014 nang ma-diagnose siya ng acute lymphocitic leukemia. Matapos ang tatlong taong gamutan, umayos ang kalagayan ng bata. Sa kasamaang palad, bumalik ang kanyang sakit noong 2018.

"Second week ng September (2018), bumagsak na po 'yung dugo niya," paliwanag ni Antonio Sanchez, tatay ni Justin.

"Sana po matulungan n'yo po ako para gumaling na po ako," pahayag naman ni Justin.

"Napakaraming pasyente na may leukemia ang nangangailangan ng red blood cell transfusion para ma-correct 'yung anemia," paliwanag ni Dr. Ramon Severino, isang oncologoist, tungkol sa pagdo-donate ng dugo.

Kaya isinagawa ng GMA Kapuso Foundation ang Sagip Dugtong Buhay Bloodletteng Project katuwang ang SAVER Communications sa Muntinlupa.

Kabilang sa mga nag-donate ng dugo ang Kabalikat ID, Guardians Recon, CFCGI, Starbucks Youth, Salaam Police, Munti 1770, Guardians Alakdan, KKDAT, PATROL Inc. (Founder Agas), CGBIMI Bayanan, EVO Riders Club, RGEN South, BPATS, HPG FMI, Patrol Police FMI (Chairman Bullet), Sandigan, TACMED, MBRO, Ride Guardians, PNRC, CGBIMI Cupang, Black Revo Riders, Mike Delta Force Community Relation, Kabayan Action Group, Black Crow, CGBIMI Sucat, CGBIMI MRH, UDDS, at HKP.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng KALOSph, Philippine Red Cross, Muntinlupa Force Multipliers, at Ever Commonwealth sa nagpapatuloy na proyekto.

Sa mga nais tumulong sa gamutan ni Justin, maaaring ipa-abot ang inyong donasyon sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

 

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.