GMA Kapuso Foundation, naghatid ng grocery packs sa Caloocan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 2,000 indibidwal, kabilang ang tricycle at pedicab drivers sa Caloocan, binigyan ng Kapuso fully-loaded grocery packs

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng grocery packs sa Caloocan

By CARA EMMELINE GARCIA

Kahit unti-unti nang nakakabalik sa kani-kanilang trabaho ang ilang tricycle at pedicab drivers, mahirap pa rin kung tutuusin para sa kanila na makakuha ng pasahero dahil sa takot ng pandemyang dala ng COVID-19

‘Yan ang pagsubok na tinatahak ng isang pedicab driver na si Johnny Taguinod, na taga-Caloocan City. 

“Ilang buwan na rin. ‘Di na rin natin alam kung saan tayo makakahanap ng hanapbuhay, ng pangkain, saan kukuha ng pera,” kuwento niya sa 24 Oras

Maliban kay Mang Johnny, nahirapan din kumuha ng pang-araw araw na sahod ang kapatid nito na isa ring pedicab driver kaya naman wala na silang magawa kundi mangalakal para lang magkaroon ng kakaunting kita. 

Sa katunayan, ang barangay kung saan namamasada si Mang Johnny, ay ang ikaapat na may pinakmataas na antas ng COVID-19 cases sa siyudad ng Caloocan. 

“Marami pa rin ang natatalang kaso,” pag-amin ni Barangay Captain Edgar Galgana ng Brgy. 28 sa Caloocan City. 

“Sa ngayon, ang hirap ng laban lalung-lalo na ang mga mananakay o tinatawag nating TODA.” 

Bilang tulong sa mga kagaya ni Mang Johnny, ang GMA Kapuso Foundation, katuwang ang Philippine Army at Barangay 28 Council, ay namigay ng grocery packs sa mahigit 2,000 residente kabilang na ang ilang tricycle at pedicab drivers sa kanilang lugar. 

Panoorin ang buong kuwento ni Mang Johnny sa ulat na ito:

 

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito. 

Maari ring magdeposito sa iba’t ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundaiton vouchers sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.