GMA Kapuso Foundation, naghatid ng mga regalo para sa mga nanay ng Tahanang Walang Hagdanan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Dahil Mother's Day, naghatid ng mga regalo para sa mga nanay sa Tahanang Walang Hagdanan ang GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng mga regalo para sa mga nanay ng Tahanang Walang Hagdanan

By MARAH RUIZ

Tatlong dekada nang tumatayong ina sa 225 tao si Lita Evangelista, EVP at COO ng Tahanang Walang Hagdanan.

Bukod sa mga kinukupkop dito, may sarili ding pamilya si Lita.

"Lahat ng galaw nila, kailangan nakikita ko, kailangan alam ko," pahayag niya tungkol sa kanyang trabaho.

Bilang pagpupugay sa mga nanay na katulad niya ngayong Mother's Day, naghatid ng regalo ang GMA Kapuso Foundation sa Tahanan Walang Hagdanan.

Nahandugan ang mga mga nanay dito ng grocery pack, mamon, gamit pang kusina, beauty products, vitamins, face masks, at mga face shield.

Bukod dito, may libreng pap smear at breast exam din para sa kanilang kalusugan.

 

Nagpaabot din ng mensahe para sa mga dakilang ina si GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco.

 

GMA Kapuso Foundation

"Sa ating mga ina tumitingin at naghahanap ng kalinga ang ating pamilya, ang ating mga anak. Tayo ang nagiging sandigan pagdating sa problemang kasing laki ng COVID pandemic. Happy Mother's Day," mensahe ni Tita Mel.

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maaari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.