GMA Kapuso Foundation, magpapagawa ng dalawang classroom sa Bural Integrated School | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Dalawang matibay at kongkretong classrooms ang ipatatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Bural Integrated School sa Rizal, Cagayan.

GMA Kapuso Foundation, magpapagawa ng dalawang classroom sa Bural Integrated School

By MARAH RUIZ

Nangangarap maging abogado is Noverine Corpuz, isa sa mga mag-aaral sa Bural Integrated School sa Rizal, Cagayan.

Kahit may dinadalang problema simula noong iwan sila ng kanilang ina, consistent honor student pa rin siya.

Mas mapabubuti pa sana ang kanyang pag-aaral kung maayos ang kanilang eskuwelahan, na sobrang luma at halos masisira na.

Para matulungan siya at ang iba pang mag-aaral ng Bural Integrated School, magpapagawa ang GMA Kapuso Foundation ng dalawang mas matibay na classrooms dito.

Kamakailan, nagdala na ng mga materyales at nagdaos na na groundbreaking ceremony dito para mabuo ang ikalawa at ikatlo nilang konkretong classroom.

 

 

"Once nag-umpisa ang trabaho dito, hindi na kami titigil. Lahat po 'yan, itu-turnover natin sa DepEd Cagayan nang Agosto," pahayag ni GMA Kapuso Foundation EVP and COO Rikki Escudero-Catibog.

"Maraming salamat po sa GMA Kapuso Foundation sa pagbibigay po ng bagong classroom," sambit naman ni Pedro B. Guimay, Head Teacher III ng Bural Integrated School.

 

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Holcim Philippine Inc., Manila Water Foundation, AFP-NOLCOM, Philippine Army 5ID and 17IB, Isuzu Philippine Corporation, PPG Coatings (Philippines) Inc., Dwightsteel (Roofing), Hanabishi, Mariwasa Siam Ceramics, Sanitech Bath and Kitchen Specialist, at Yale Home Philippines sa proyekto.

Sa mga nais tumulong sa rehabilitasyon ng Bural Integrated School at sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website: http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.