Mel Tiangco, may pa-birthday outreach sa tulong ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

3,200 tao sa Caloocan ang hinatiran ng grocery packs at iba pang mga regalo bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Mel Tiangco.  

Mel Tiangco, may pa-birthday outreach sa tulong ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

August 10 ipinagdiwang ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco ang kanyang kaarawan.

Para sa okasyong ito, naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa ngalan niya sa Barangay 162 sa Caloocan.

Nagpamahagi dito ng Kapuso loaded grocery packs, hygiene kits, donuts, processed meat, lugaw at champorado kits at tinapay para sa 3,200 residente.

 



Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa Operation Bayanihan ng Joint Task Force NCR, NCRPO NCSP Team, Procter and Gamble Philippines Inc, Barrio Fiesta Foods, Department of Health, Indomie, Batangas Egg Producers Cooperative and US Soybean Council, Tiffany's Bread and Cakes, Cater King Food Corporation, WBT Warehouse Compound, Rhea Generics and PHILUSA, Dunkin', at Pampanga's Best.

"Maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng pagbati sa aking espesyal na araw. Maraming salamat din kay Monsignor Manny Gabriel para sa misa na inihandog niya para sa akin kaninang umaga (August 10). Salamat din sa mga tumulong sa GMA Kapuso Foundation para maging maayos at matagumpay ang ating Operation Bayanihan sa Barangay 162 sa Caloocan. Sa inyong suporta, marami pa ring tayong matutulungan," pahayag ni Mel.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Maaari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.