GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng anim na classrooms sa Cagayan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagpatayo ang GMA Kapuso Foundation ng classrooms para sa tatlong pampublikong paaralan sa Cagayan.

GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng anim na classrooms sa Cagayan

By MARAH RUIZ

Noong katapusan ng April ngayong taon, nag-groundbreaking ang GMA Kapuso Foundation sa tatlong pampublikong paaralan sa Cagayan.

Kabilang ang mga paaralang ito sa mga napinsala ng bagyong Ulysses noong November 2020.

Matapos ang halos tatlong buwan, nagbunga na ang tulong at malasakit ng mga partners at donors ng GMA Kapuso Foundation.

 

 

Kapuso School Development project

 


Anim na Kapuso classrooms ang naipatayo, sa Calassitan at Abariongan Uneg sa Sto. Nino at Bural, Rizal sa Cagayan.

Matibay ang mga silid-aralan at kayang harapin ang 300 kph na hangin at intensity 8 na lindol.

May CR, electric fans, water dispenser, at handwashing facility din ang bawat classroom.

"Gusto nating pasalamatan lahat ng ating mga donors at sponsors dahil kung hindi po kayo nag-donate at nagbigay sa atin ng mga materyales hindi po natin ito matatapos," pasasalamat ni GMA Kapuso Foundation EVP and COO Rikki Escudero-Catibog.

Kabilang sa tumulong sa proyekto ang New Zealand Embassy.

"The purpose of New Zealand's aid is to develop shared prosperity and stability in the world. We particularly focus on helping young people to leverage their talents and capabilities through education and learning," pahayag ni Peter Kell, New Zealand Ambassador to the Philippines.

"Sa gitna ng pandemya, marami palang taong nagbibigay ng biyaya katulad po ng institusyong GMA Kapuso Foundation at ng kanyang mga partners," lahad naman ni Annabelle Vitin, principal ng Calassitan Elementary School.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.