GMA Kapuso Foundation, naghahanda para sa posibleng pananalasa ng mga bagyong Jolina at Kiko | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghahanda na ng relief goods ang GMA Kapuso Foundation para sa mga tatamaan ng mga bagyong Jolina at Kiko.

GMA Kapuso Foundation, naghahanda para sa posibleng pananalasa ng mga bagyong Jolina at Kiko

By MARAH RUIZ

Ready nang magbigay ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga tatamaan ng mga bagyong Jolina at Kiko.

Iyan ang ayon kay GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco, kahapon (September 8).

"Mga kapuso nagpadala na rin po ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods sa AFP Northern Command Headquarters sa Tarlac. Bilang paghahanda 'yan sa posibleng pananalasa ng mga bagyong Jolina at Kiko sa Central at Northern Luzon. Mamamahagi din tayo ng tubig sa mga residenteng apektado ng bagyo," pahayag niya.

 

Operation Bayanihan

 

Naghahanda na rin ang GMA Kapuso Foundation na maghatid ng tulong sa iba pang lugar sa bansa na maaaring tamaan ng mga nasabing bagyo

"May kasabay na paghahanda na gingawa ang GMA Kapuso Foundation sa Bicol naman. Katuwang natin dito ang 9th Infantry Division," paliwang ni Tita Mel.

"Nakatakda din magtungo ang aming team sa Masbate para magpaabot ng tulong," dagdag pa niya.

Nanawagan din ng donasyon si Tita Mel para sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan na magdadala ng relief goods sa mga masasalanta ng bagyo.

"Ang GMA Kapuso Foundation ay tumatanggap po ng cash, cheque at debit card donations para sa pamamahagi ng relief goods sa mga tatamaan ng bagyo," aniya.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Pwede ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.