GMA Kapuso Foundation, naghatid ng school supplies sa mag-aaral sa Aurora | GMANetwork.com - Foundation - Articles

814 kinder and grade 1 students sa Aurora ang hinatiran ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng school supplies sa mag-aaral sa Aurora

By MARAH RUIZ

Isang guro si Precious Mariel Montenegro sa Dilasag, Aurora.

Marami sa kanyang mga estudyante, walang maayos na gamit pang eskuwela. Dahil dito, si Precious na mismo ang nagbibigay nga mga school materials para sa kanila.

Batid niyang malaking tulong ito sa mga bata pero limitado lang ang budget ni Precious.

"Sa hirap po ng buhay po dito sa amin, [kung] may ma-i-se-share ka naman sa kanila, bakit hindi mo sila bigyan," pahayag ni Precious.

Kahit may pandemya, binibisita niya ang mga estudaynte para turuan.

"Kailangan sa isang pamilya po dapat may nakapagtapos para naman maiangat 'yung pamilya nila," ani Precious.

Dahil sa kanyang dedikasyon, minsan na siyang pinarangalan bilang outstanding teacher volunteer.

Dahil din dito, minarapat ng GMA Kapuso Foundation na magtungo sa Dilasag para magsagawa ng malawakang distribution ng mga school supplies, hygiene kit at face masks sa ilalim ng Unang Hakbang sa Kinabukasan Project.

 

 

Pinuntahan na rin ng GMA Kapuso Foundation ang katabing eskuwelahn sa Kasiguran kung saan mga Dumagat ang karamihan ng mga mag-aaral para maghatid din ng school supplies doon.

Sa kabuuan, 814 kinder at grade 1 students sa Aurora ang nahandugan ng school supplies.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyektong ito ang Philippine Army 7th Infantry Division, 91st Infantry Battalion Bravo Company, at Colgate-Palmolive Philippines Inc.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa Unang Hakbang sa Kinabukasan at sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash at Globe Rewards.

Maaari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.