GMA Kapuso Foundation, napaoperahan na ang 8-year-old na may katarat | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Napaoperahan na ng GMA Kapuso Foundation ang eight-year-old batang may katarata sa pareho niyang mata.

GMA Kapuso Foundation, napaoperahan na ang 8-year-old na may katarat

By MARAH RUIZ

Walong taong gulang pa lang si Prince Taberna na mula sa Pangasinan pero dalawang mata na niya ang may katarata.

Hirap siyang makakita dahil dito pero nanantili siyang determinadong mag-aral dahil pangarap niyang maging piloto.

 

 


"Mas gagalingan ko na lang po sa school. Tatapusin ko na lang po ang pag-aaral ko," pahayag ni Prince.

Ginagawa niyang parang telescope ang kanyang mga kamay at dito sumisilp para mabasa ang kanyang mga aralin.

Dahil kulang ang kita ng ama ni Prince sa construction, inilapit nila ang anak sa GMA Kapuso Foundation para mapaoperahan.

Mula sa Pangasinan, sinamahan ng GMA Kapuso Foundation si Prince sa EyeSite sa Mandaluyong para mapatingnan ang kanyang mga mata.

Sa tulong ng partners ng GMA Kapuso Foundation, napaoperahan na ang dalawang mata ni Prince noong August 18.

"Ang katarata kasi marami rin po 'yang factors. Kadalasan, genetic din po 'yan. Minsan naman dahil sa infection. Since four years old naman nag-start, pagka ganyan puwede pong genetic. Ibig sabhin, 'yung sa kanyang genes sa kanyang katawan, nagkaroon po ng problema," paliwanag ni Dr. Michelle Lingao, epesyalista sa ocular genetics and pediatric ophthalmology.

"Ang soluyon diyan, tatanggalin po natin 'yung katarata. Bibigyan po natin siya ng eyeglasses para makabasa po ng malapitan. Saka ifa-follow up po natin siya nang madalas," bahagi naman ni Dr. Lingao tungkol sa gamutan ni Prince.

"Maraming salamat po sa GMA Kapuso Foundation at saka po sa nag-opera po sakin na si Dr. Michelle. Thank you po," masayang mensahe ni Prince.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng EyeSite Mandaluyong at ng Child Haus.

Nangangailangan pa rin ng tulong si Prince para sa tuluyan niyang paggaling.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa kanya at sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.