GMA Kapuso Foundation, tumulong sa mga nasalanta sa Rodriguez, Rizal | GMANetwork.com - Foundation - Photos

Taus-puso ang paghatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng Operation Bayanihan sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng grocery packs na may bigas, de lata, instant noodles, purified drinking water at mga donuts sa 1,000 indibidwal na naapektuhan ng bagyo sa Phase 1 K1 and Phase 2 K2, Kasiglahan Village sa Rodriguez, Rizal. Tumulong sa pag transport ng mga relief goods at sa mismong distribution na ginawa noong November 13 ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army ( 82IB ) . Lubos naman ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Dunkin' at Diamond Purified Drinking Water sa operasyon. Para sa mga nais magbigay tulong sa GMA Kapuso Foundation, bumista lang sa GMANetwork.com/KapusoFoundation/Donate para malaman ang iba't ibang paraan ng pagbibigay ng donasyon.