GMANetwork.com - Foundation - Projects and Patients

Learn more about the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Catmon E.S. sa Rodriguez, Rizal, binigyan ng school chairs at teacher's desk ng isang sponsor ng GMAKF | 24 Oras

Jun 27, 2025
GMA Kapuso Foundation

Kakulangan sa silid-aralan at upuan ang suliranin ng maraming pampublikong paaralaan sa bansa. Malaki ang epekto niyan sa mga mag-aaral na hirap makapag-focus sa eskwela. Kaya para tugunan ito, namahagi ng school armchairs at teacher’s desk ang GMA Kapuso Foundation katuwang ang ating sponsor. Read more


Libreng medical services, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng bulkan at panahon sa Bago City | 24 Oras

Jun 27, 2025
GMA Kapuso Foundation

Bukod sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Kanlaon, dagdag perwisyo sa mga magsasaka ang halos walang tigil na pag-ulan. Dahil sa pagkalugi, hindi na prayoridad ng ilang residente ang makapagpatingin sa espesyalista. Kaya naman, hatid ng GMA Kapuso Foundation ang Kalusugan Karavan Project para sa ating mga kababayan  Read more


GMAKF may regalo sa mga tour guide sa Rodriguez na naapektuhan ang kabuhayan mula pa noong pandemya | 24 Oras

Apr 30, 2025
Kapusong Totoo

Mula noong pandemya, tila nanamlay ang dating masiglang turismo sa Rodriguez, Rizal. Dahilan para mawalan ng regular na kabuhayan ang mga tour guide doon. Bilang paggunita sa "Araw ng mga Manggagawa" bukas, sila naman ang binigyang pansin ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Kontra-kuto, dental hygiene atbp., itinuro ng GMAKF sa mga bata sa Sta. Maria, Laguna | 24 Oras

Apr 25, 2025
Kapusong Totoo

Maliit pero grabe kung makaperwisyo ang mga kuto! Ganyan ang iniinda ng ilang bata sa Santa Maria, Laguna, na todo kamot sa nangangati nilang ulo. Sa ilalim ng linis-lusog Kapusong Kabataan Project ng GMA Kapuso Foundation, tinuruan natin sila ng tamang paglilinis ng buhok para iwas-kuto.   Read more


Matibay na Kapuso tulay, nagagamit na sa Mansalay, Oriental Mindoro | 24 Oras | 24 Oras

Apr 23, 2025
Kapusong Totoo

Higit pa sa kaligtasan ng mga residente, hangad ng GMA Kapuso Foundation na mapaunlad ang kabuhayan ng mga katutubo sa Mansalay, Oriental Mindoro. Naging posible ang pagpapatayo ng bago at ligtas na tulay roon sa ilalim ng Kapuso Tulay para sa Kaunlaran Project sa tulong ng walang sawang suporta at tiwala ng ating sponsors, donors, partners at volunteers.   Read more


Kapuso tulay ng GMAKF sa Mansalay, Or. Mindoro malapit nang magamit ng mga residente | 24 Oras

Apr 22, 2025
Kapusong Totoo

Di lang kayod-kalabaw, halos buwis buhay rin ang mga katutubong Hanunuo Mangyan sa Mansalay, Oriental Mindoro para 'di kumalam ang tiyan. Tumatawid kasi sila sa rumaragasang ilog bitbit ang kanilang mga produkto. Ang suliraning 'yan ang tinugunan ng Kapuso Tulay sa Kaunlaran ng GMA Kapuso Foundation.   Read more


Mahigit 5,000 taga-Canlaon City at La Castellana na apektado ng Bulkang Kanlaon, tinulungan ng GMAKF | 24 Oras

Apr 16, 2025
Kapusong Totoo

Isa sa mga pinaka-apektado ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Kanlaon ang mga mag-aaral sa Negros Island. Ilang buwan din silang nag-evacuate kasama ang kanilang pamilya pero hindi ito naging hadlang para sa kanilang mga pangarap. Tuloy-tuloy ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation na nagtungo naman sa Canlaon City at bayan ng La Castellana.   Read more


3 magkakaanak na nasabugan habang nagkakabit ng LPG, tinulungan ng GMAKF | 24 Oras

Apr 4, 2025
Kapusong Totoo

Nito lamang Martes itinampok natin dito sa 24 Oras ang magkakaanak na nasabugan sa gitna ng pagkakabit nila ng LPG tank sa Taytay, Rizal. Agad na nakipag-ugnayan ang GMA Kapuso Foundation sa pamilya para magpaabot ng medical assistance.   Read more


Kapuso classrooms na ipinapatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Buguias, Benguet, malapit nang matapos | 24 Oras

Mar 28, 2025
Kapusong Totoo

Kahit luma at sira-sira ang silid-aralan, nananaig pa rin ang kagustuhang matuto ng mga mag-aaral ng Cotcot Talabis Elementary School sa Buguias, Benguet. Para lalo silang ganahan sa pag-aaral tatlong bago at matibay na mga Kapuso classroom ang ipinapatayo natin doon. Read more


Libreng breast exam at papsmear, hatid ng GMAKF sa ilang lugar sa Negros Or., Rizal, at Mandaluyong | 24 Oras

Mar 26, 2025
Kapusong Totoo

Ngayong Women's Month, katuwang sa pagbibigay halaga sa kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan ang inyong GMA Kapuso Foundation. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, partners, at donors. Dahil po sa inyo, naitaas natin ang kamalayan sa kahalagahan ng pap smear at breast examination.   Read more


"Kapuso Tulay para sa Kaunlaran Project" ng GMAKF sa Mansalay, Oriental Mindoro, malapit nang matapos | 24 Oras

Mar 24, 2025
Kapusong Totoo

Malaking hamon para sa mga katutubong Hanunuo Mangyan sa Mansalay, Oriental Mindoro ang kawalan ng tulay. Napipilitan kasi silang tawirin ang mapanganib na ilog maibenta lang ang kanilang mga produkto. Sa tulong ng "Kapuso Tulay para sa Kaunlaran Project" ng GMA Kapuso Foundation, matutuldukan na ang matagal na nilang kalbaryo Read more


Papsmear at breast exam isinagawa ng GMAKF sa correctional institution for women; haircut, hairstyling at basic makeup, itinuro rin | 24 Oras

Mar 21, 2025
Kapusong Totoo

Ikalawang pagkakataon para magbago. 'Yan ang hiling ng ilang nakapiit sa Correctional Institution for Women na araw-araw ipinagdarasal ang kanilang paglaya para simulan ang bagong kabanata sa kanilang buhay. Nasaksihan ng GMA Kapuso Foundation ang kanilang kwento. Kaya ngayong Women's month, nagtungo tayo roon para maghatid ng libreng serbisyong medikal at iba pang mga regalo. Read more


GMAKF namahagi ng anti-dengue kits sa Cavite; bloodletting, ikinasa sa Tarlac | 24 Oras

Mar 19, 2025
Kapusong Totoo

Unang bahagi pa lang ng 2025, lumobo na ang kaso ng dengue sa bansa kahit hindi pa tag-ulan. Bilang tulong, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng Kontra Dengue Project sa Cavite at blood donation drive sa Tarlac.   Read more


Insidente ng sunog sa bansa umabot na sa mahigit 3,000 mula Jan.1 - Mar.14, 2025, ayon sa BFP | 24 Oras

Mar 14, 2025
 Kapusong Totoo

Ngayong Fire Prevention Month kaisa ang GMA Kapuso Foundation sa kampanya ng Bureau of Fire Protection upang mapalakas ang kamalayan at kahandaan ng bawat isa laban sa sunog. Ang BFP naman nakasuporta rin sa ating Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project. Read more


GMA Kapuso Foundation receives donation from Cut Unlimited, Inc.

Mar 14, 2025
GMA Kapuso Foundation

The donation will help support GMAKF’s ongoing projects and initiatives.  Read more

advertisement


Batang may problema sa paningin, pandinig, at sirang ngipin, ipinasuri sa mga espesyalista | 24 Oras

Mar 12, 2025
Kapusong Totoo

Nitong Lunes, ibinahagi po natin ang kwento ng isang bata na sa kanyang murang edad ay marami nang iniindang problema sa kalusugan. Sa unang pagkakataon, mapapasuri na siya sa iba't ibang mga doktor dahil sa tulong niyo sa GMA Kapuso Foundation.   Read more


Batang may malabong mga mata, mahina ang pandinig, at sirang ngipin, idinulog sa GMAKF | 24 Oras

Mar 10, 2025
Kapusong Totoo

Walang ibang hangad ang isang nanay na nakilala namin sa Bulacan, kundi mapabuti ang walong taong gulang niyang anak. Sa murang edad kasi, nakikipaglaban ang anak sa iba't ibang karamdaman tulad ng malabong mata at mahinang pandinig. Lumapit sila sa GMA Kapuso Foundation para humingi ng tulong.   Read more


Ilang taga-Agoncillo, Batangas na hinagupit ng Bagyong Kristine, nasa evacuation center pa rin | 24 Oras

Mar 7, 2025
Kapusong Totoo

Nasa mga evacuation pa rin sa Agoncillo, Batangas ang ilang residenteng naapektuhan ng landslide dahil sa Bagyong Kristine noong nakaraang taon. Dagdag-pahirap sa kanila ang epekto ng Bulkang Taal kung nag-aalburoto. Kaya bukod sa food packs namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng N95 face mask sa mga evacuees at responders.   Read more


Libreng opera sa 17 taong may bukol, ikinasa ng GMAKF sa tulong ng JRMMC | 24 Oras

Mar 5, 2025
 Kapusong Totoo

Paalala po ng mga espesyalista sa mga may makakapang bukol sa katawan agad 'yang ikonsulta sa doctor. Baka matulad 'yan sa bukol ng isang dumulog sa GMA Kapuso Foundation na singliit lang ng holen noon pero lumaki ngayon. Read more


Magkapatid na tadtad ng bukol, napa-operahan na sa tulong ng GMAKF | 24 Oras

Mar 3, 2025
Kapusong Totoo

Naaalala niyo ba ang magkapatid na tadtad ng bukol hanggang mukha na itinampok namin noong Enero? Magandang balita, dahil matapos silang ipasuri ng GMA Kapuso Foundation ay inumpisahan na ang operasyon sa kanila. Read more