EXCLUSIVES

Arra San Agustin
GMA Playlist

Arra San Agustin, natupad ang pangarap na music debut sa 'Hanggang Dito Na Lang'

By Aimee Anoc
Published On: July 28, 2022, 1:30 PM

Mapapakinggan na ang debut single ni Arra San Agustin na "Hanggang Dito Na Lang" simula July 29.

Excited at masaya si Arra San Agustin para sa katuparan ng kanyang pangarap na magkaroon ng sariling kanta.

Sa isang press interview, ikinuwento ni Arra na noon pa man ay pinangarap na niyang maging isang recording artist.

"Siyempre po gusto ko rin pong mag-focus dito kasi isa rin po ito sa pinangarap ko. Noong nag-audition ako sa 'StarStruck,' gusto kong makapasok din ng GMA kasi pinangarap ko rin na makapunta ako sa line na music career," sabi ni Arra.

Sa Biyernes, July 29, ilalabas na ang debut single ni Arra under GMA Playlist, ang heartbreak song na "Hanggang Dito Na Lang."

Ayon kay Arra, siya mismo ang may gusto na "sad pero comforting" ang una niyang kanta.

"'Yung genre po at saka 'yung emosyon ng song pinag-usapan po namin ito. Ako na rin po 'yung nag-suggest sa kanila. Sabi ko gusto ko 'yung sad. Gusto ko 'yung mapanakit ng damdamin," aniya.

Dagdag ni Arra, "Gusto ko ring mag-explore ng iba pang mga emotion pero for this single, doon po muna ako sa sad. Parang melancholic na vibe, puwedeng heartbreak. 'Yung kanta naman hindi lang siya sa romantic relationships, pwede ring end of friendships.

"Kasi para sa akin gusto kong maging realistic siya na may mga bagay din talaga na it doesn't go the way we plan or the way we want them too, ideally."

 

 

Mapapakinggan ang "Hanggang Dito Na Lang" sa iTunes, Apple Music, Spotify, at sa iba pang digital music streaming platforms worldwide.

 

TINGNAN ANG PRETTIEST PHOTOS NI ARRA SAN AGUSTIN DITO:

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->