Buhat-buhat ni PO1 Rogel Mazo si Enocencia F Ferolino, 89, dahil hirap ito maglakad. PHOTO BY Calatrava Municipal Police Station
Buhat-buhat ni PO1 Rogel Mazo si Enocencia F Ferolino, 89, dahil hirap ito maglakad. PHOTO BY Calatrava Municipal Police Station

Isang bagitong pulis ng Calatrava Municipal Police Station ang tumulong sa isang lolang hirap maglakad.

Kwento ni PO1 Rogel Mazo, napapatrolya sila sa Barangay San Roque sa bayan ng Calatrava nitong umaga ng Lunes, November 26, nang makita nila ang lola 89-anyos na lola na si Enocencia F Ferolino na naglalakad patungo sana sa Senior Citizens Building para makuha ang kanyang monthly allowance mula sa gobyerno.

Agad niya itong inalalayan at dahil nahihirapan parin si lola, binuhat niya nalang ito hanggang sa makarating sa building.

Nagpasalamat naman si Lola Enocencia sa mga pulis ng Calatrava Municipal Police Station. — BAP, GMA News