Isang lalaki at isang batang babae ang nahagip ng CCTV camera na sumalisi at nagnakaw ng ilang gamit sa isang pwesto sa Bagong Silang, Caloocan.

Ayon sa ulat ni Marisol Abdurahman sa "24 Oras", kinarga ng suspek ang bata upang takpan ang kinuha raw nilang power tool at iba pang mga produkto.

Nagkakahalaga daw ng P4,500 ang ninakaw ng mga gamit.

"Nakatalikod po lahat, siguro asawa ko at saka si nanay. Tapos di niya po napansin," sabi ng may-ari na si Lorna Morden.

"Kino-cover niya talaga yung bata at saka yung bata alam niya po talaga kasi yapos na yapos sa ano niya e," dagdag pa niya.

Inireklamo na ni Morden sa barangay ang nangyari.

"Galing lang po lahat sa utang 'yun ma'am. Pinapaikot lang po," sabi Morden. —NB, GMA News