Patay sa pamamaril sa Quezon City ang lalaking kinilala ng mga awtoridad bilang isang dating pulis.

Sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB nitong Linggo, nangyari ang insidente sa Barangay Paang Bundok sa bahagi ng La Loma, Quezon City.

 

 

Nagte-text umano habang naglalakad ang biktimang si dating PO2 Arthur Cordero nang biglang barilin ng dalawang naka-motorsiklong suspek.

Tinamaan ng mga bala sa ulo at likod si Cordero. 

Natamaan din ng ligaw na bala ang salamin ng isang tindahan ng lechon na malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa mga tauhan ng Quezon City Police District, huling naitalaga si Cordero sa Manila Police District Headquarters at idineklara siyang AWOL noong 2015. — Dona Magsino/BM, GMA News