Patay ang isang lalaki nang mabundol ng humaharurot na sasakyan sa Quezon City. Ang biktima, napag-alaman na tumakbo palayo sa asong humabol sa kanila ng kaniyang kaibigan.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipias" nitong Lunes, makikita sa CCTV ng Barangay Holy Spirit na naglalakad ang biktimang si Joshua Cabag kasama ang tatlong kaibigan sa Santo NiƱo Street.
Hindi nagtagal, isang aso ang lumabas mula sa isang bahay at hinabol ang magkakaibigan.
Kumaripas ng takbo ang apat hanggang sa makarating sa kanto at doon na nahagip ng humahaharurot na sasakyan si Cabag.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima pero hindi tumigil ang driver ng sasakyan.
Naisugod pa raw sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay sa mismong araw pa ng kaniyang kaarawan, ayon sa kaniyang tiyahin.
Nananawagan naman ng hustisya ang pamilya ni Cabag at nakikiusap din sa driver na nakabangga na makipagtulungan.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. -- Joviland Rita/FRJ, GMA News