Isang motorsiklo ang nabangga ng kotse sa kanto ng Rizal Avenue at Fugoso Street sa Sta. Cruz, Manila, ayon sa ulat ni Julee Cabrera para sa Super Radyo's dzBB.

 

 

Makikita sa CCTV na tumilapon ang motorsiklo pero nakabangon ang driver nito. Lumapit ang motor rider sa sasakyan habang may hawak umanong baril at sinipa ang side mirror nito.

 

 

Nilapitan ng rider ang driver ng kotse na nakabangga sa kanya pagkatapos ay pinagsusuntok at pinagsisipa niya ito. — BAP, GMA News