Arestado ang isang nag-AWOL na sundalo sa isang buy-bust operation  sa Quezon City nitong Sabado.

Sa ulat ng Super Radyo dzBB, kinilala ang suspek na si Danilo Calayan, na nakuhanan ng limang pakete ng hinihinalang shabu, at buy-bust money.

Naaresto rin ang isang guro na kinilala lamang sa alyas na Michael, na umano'y parkoyano ni Calayan.

Itinanggi ni Calayan na sa kanya ang mga nasabat na droga. Ngunit umamin siya na gumagamit ng shabu paminsan-minsan.

Nahaharap sa kaso ang dalawang suspek kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —LBG, GMA News