Pinilit ni pambansang kamao Manny Pacquiao na maibaba ang kanyang timbang sa pamamagitan ng pag-jump rope, ilang oras lamang bago ang official weigh-in sa laban nila ni Adrien Broner.

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos makapasok sa weigh-in nang may timbang na 146 lbs, nilantakan kaagad ni Pacquiao ang mga paborito niyang pagkain.

Sa ulat ni Mariz Umali sa GMA News, sinabi ni Pacquiao na ilan sa mga kinain niya na "as usual, Filipino food" ay ang bulalo, chicken adobo, at daing

"Hindi makalimutan ang daing eh. Para akong si Presidente [Rodrigo Duterte], may daing palagi," sabi ng buksingero. Bukod sa Pinoy food, dinagdagan pa ni Pacquiao ang mga putahe ng kebab.

Noong gabi bago ang weigh-in, sobra ng 3 lbs. ang bigat ni Pacquiao. Kinabukasan, napababa niya ito sa 148 lbs. At matapos nga ang jump rope ay pumasok na siya sa wakas sa weight limit.

"Uminom kasi ako ng maraming tubig at kumain ako nung gabi," paliwanag ni Pacquiao.

Mapapanuod ang laban ni Pacquiao at Broner bukas ng Linggo. â€” MDM, GMA News