Isang mananaya ang nanalo nang mahigit P239 milyon matapos tamaan ang winning combination ng Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes ng gabi, Enero, 21, 2019.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination  na 17-07-38-08-05-10.

Umaabot ang premyo nito sa halagang P239,204,944.00.

September 2018 nang huling may tumama sa Grand Lotto 6/55 draw.

Samantala, wala namang nanalo sa 6/45 draw na ang winning combination  ay 13-30-32-16-09-20, at mahigit P59 milyon ang premyo. -- FRJ, GMA News