Nahulihan ng shabu ang isang lalaki na makikipagkita lang sana sa kanyang chatmate sa Samar Avenue, Quezon City, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes.

Ang hindi alam ng suspek na kinilalang si Michael Bañares, police asset pala ang chatmate niya.

Nagdala pa naman siya ng shabu para rito.

“'Yun lang po yung dala,  yung pinakamaliit lang po. Bale po ang nangyari po sir, yung may ka-chatmate po ako. Gusto ko po siya makita. Nag-request po siya sa akin ng drugs,” kwento ni Bañares na isang tricycle driver.

Nakumpiska ng mga pulis ang tatlong sachet ng droga mula sa kanya.

Dumarayo pa raw si Bañares sa Quezon City mula Mandaluyong para lang magbenta ng shabu, ayon sa pulisya. — Joviland Rita/RSJ, GMA News