Kinilig ang mga netizens sa proposal ng isang lalaki sa kaniyang kasintahan sa kalagitnaan ng piyesta ng Ati-atihan Festival sa Kalibo, Aklan.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing nagulat ang mga nakikipiyesta nang huminto bigla ang tugtugan. 'Yun pala, nag-propose si Reg sa girlfriend niyang si Mary Jorelly.

Nakuha naman niya ang matamis na "Yes!" ng dalaga.

Sinabi ng uploader ng video na nakipagkuntsaba siya para kunan ang marriage proposal ni Reg kay Mary Jorelly sa tapat ng cathedral. — MDM, GMA News