Arestado ang dalawang magkasintahan na magkasama rin umano sa pagtulak ng droga sa isang buy-bust operation sa Annapolis Street, Cubao, Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), modus daw ng dalawa ang kunwaring pamamasada pero nambabagsak pala ng droga sa kanilang customer.

Sa ulat ni James Agustin sa "Balitanghali" nitong Miyerkules, nasabing nabilhan si Nerisa Grace Barretto at ang ka-live-in niyang si Romel Casaljay ng P500 halaga ng shabu.

Ayon kay Police Senior Inspector Ramon Aquiatan, hepe ng drug enforcement unit (SDEU) ng QCPD Station 7: "Ang modus operandi nitong mag-asawa na ito sasakay sa tricycle, kunwari namamasada at ibabagsak 'yung kanilang illegal na droga doon sa kanilang customers."

Kabilang si Casaljay sa drug watchlist at nauna nang naaresto ang kapatid niya noong nakaraang linggo.

Si Barreto naman ang itinuro ng kapatid ni Casaljay na pinagkunan niya ng droga.

Sa kabuuan, 14 na sachet ng umano'y shabu na may street value na P7,000 ang nakuha sa mga suspek.

Ayon kay Aquiatan: "Ang mga parokyano nitong mga ito, mga taga-doon din sa barangay, mga tricycle drivers, mga nagta-trabaho 'dun sa palengke at saka 'yung mga jeepney drivers."

Todo sa iyak si Barretto at iginiit na hindi raw siya tulkak ng shabu.

Ang sabi naman ni Casaljay: "Bumabiyahe lang po kami ng tricycle, sir. 'Yun oi, bigla lang kaming tinanong,a kala po namin, pasahero." —Margaret Claire Layug/NB, GMA News