Pinatunayan ng isang videographer sa Las Piñas City na hindi hadlang ang kawalan ng high-tech na camera para makagawa ng isang dekalidad na video with stop-motion effect pa.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, makikita ang pagkuha ni Crismel Gida ng video ng kaniyang mga katropa habang nagba-basketball.

Diskarte lamang, kasama ang saglit na pagpigil ng kaniyang mga kaibigan, kuhang-kuha na ang stop motion effect ng laro.

Ayon kay Cris, ginawa niya ito bilang patunay sa iba pang videographer na hindi hadlang ang kakulangan sa gamit sa pagkuha ng video.

Paganahin lamang ang imahinasyon at tiyak ang isang magandang output.—LDF, GMA News