Kabilang ang mga Pinay sa mga babae sa buong mundo ang madalas umanong "bumisita" sa adult video streaming site na PornHub.

Sa naturang pagsusuri ng PornHub,  lumilitaw na pasok ang mga Pinay sa top 20 ng mga babae sa buong na bumibisita sa naturang website.  Sa "Most Viewed Categories By Women," lumalabas na mga Japanese porn ang madalas na panoorin umano ng mga Pinay.

Hinigitan din nila ang iba pang viewers sa "Romantic" category na may 233% ng viewership.

 


 

Mas gusto rin umanong panoorin ang mga Pinay ang mga "Behind The Scenes" na may rate na 204%  at "Verified Couples" — o real couples copulating — na 160%.

Ang iba pang kategorya na madalas umanong bisitahin ng mga kababaihan ay ang lesbian, hentai, ebony, anal, Indian, Japanese, mature, at MILF.

Lumitaw din sa pagsusuri na 71%  umano ng PornHub’s female traffic worldwide ay kinakatawan ng top 20 countries.

 

 

Sa 2018 review ng Porhub,  lumitaw na mula sa Pilipinas ang mga taong gumugugol ng mas maraming oras sa kanilang website. — FRJ, GMA News