Sa pagtungtong niya sa edad na 74 ngayong Marso, aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nakararamdan na siya ng pagod. Pero nanatili ang kaniyang direktiba sa kapulisan na gawing ligtas ang lansangan mula sa mga kriminal.

Sa campaign rally ng partidong PDP-Laban nitong Miyerkules, muling inatasan ng pangulo ang kapulisan na tapusin ang mga kriminal at ituro siya kapag nagkaroon ng usapin ng paglabag sa karapatang-pantao.

"I want kayong mga chief of police, you ask your wives and your daughter to walk around your area of responsibility. And if your wife or daughter comes home safe, undisturbed, unmolested, at walang nangyari, ‘yan ang gusto ko para sa lahat ng babae sa area mo," sabi ni Duterte.

"Ngayon, kung merong mag-istorbo sa kanila at hindi na nila magamit ‘yung daan, at magtindig lang sila maghintay ng sakyan, momolestiyahin, all you have to do is to kill the idiot. Period. Iwanan mo diyan. Magsumbong sa human rights, sabihin mo utos ko," dagdag niya.

Ipinaalam din ng pangulo na pagod na siya at nais na sana niyang makapagpahinga.

"Ako matanda na. Ngayong buwan na ito mag 74 na ako. P— ina mo kasi pagod na ako sa inyo... Naghahanap lang ako talaga ng lusot na para makapagpahinga na. Pagod na rin ako kaya do not f—k with me," sabi ni Duterte. — FRJ, GMA News