Matapos ang magnitude  6.1 na lindol sa Luzon nitong Lunes, nakaranas naman ngayong Martes ng hapon ng magnitude 6.2 na pagyanig ang Eastern Samar.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang paggalaw ng lupa dakong 1:37 p.m. Naitala ang epicenter nito sa layong 19 kilometers northwest ng bayan ng San Julian.

Tectonic umano ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 17 kilometers.

Intensity V ang naramdaman sa Tacloban City at Catbalogan City.

Intensity IV sa Masbate City, Legazpi City, at Sorsogon City.

 

 

Ayon sa PHIVOLCS asahan ang mga aftershocks at posibleng mga pinsala dahil sa lindol.

Nitong Lunes ng hapon, magnitude 6.1 na lindol ang naganap sa Luzon, na naramdaman maging sa Metro Manila.  Lubhang napuruhan ang Pampanga kung saan isang supermarket ang gumuho.

READ: 1 sa mga nasagip sa gumuhong supermarket sa Porac, kinailangang putulan ng paa para mailigtas

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pito na ang nasawi at mahigit 80 ang nasaktan. — FRJ, GMA News